Sa henerasyon ngayon marami ng pagbabago lalo na sa mga kabataan..
sa mga kababaihan..
Marami nang sitwasyon ang nagpatunay sa akin na sadyang mahirap ng hanapin ang Ma.Clarang inilalarawan sa mga dalagang pilipina noon.May mga babae na ngayong tanging paghahanap ng iibigin ang inaatupag,maraming ganyang babae na akong nakilala.Yung tipong makikipagrelasyon kahit sa isang araw lang at kinabukasan wala na, ito ang tinatawag nilang trip-trip lang.Ang iba ko namang nakikilala halos hindi na kumakain at nag-aaral para lang igugol ang kanilang oras sa pakikipag-usap sa telepono,pagtetext,pag-iinternet at kahit pag-iyak dahil iniwan ng boyfriend.Mayroon ding mga napariwara na ang buhay.Hindi lang kumpleto ang pamilya ay palagay niya wala na syang silbi sa mundong ito dahil walang nag-aalaga sakanya.May naliligaw ang landas dahil pinili niyang tahakin ito at hindi pinilit ng kung sino.
Sa kabila nito, marami parin akong kilalang kabataan na may prinsipyo sa buhay.May paninindigan sa kabila ng pagbabago sa kanyang lipunan.Kahit hirap sa buhay may mga kababaihan paring pinagsasabay ang pag-aaral at paghahanapbuhay kahit sa murang edad.Hanapbuhay na marangal kahit mahirap ang buhay.Mayroon ding pag-aaral ang inuuna kahit may nanliligaw sakanya,at kahit pumasok na siya sa isang relasyon,alam nya ang tama sa mali at ang sobra na sa hindi.Hindi parin nawawala ang mga kababaihang ubod ng hinhin at masunurin,andyan lang sila mahirap nga lang hanapin.
Ang pinagusto ko ngayon sa mga kabataan ay may laya.May laya sa pag-aaral at dyan tayo mapalad.Huwag tayong maging negatibo sa mata ng mga tao, mga kapwa ko kabataang kababaihanpahalagahan natin ang ating pag-aaral at itayo ang ating mga pangalan.
Sa mga nabanggit kong uri ng babae sa henerasyon ngayon,nasaan ka?
aminin mo..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment